Tuesday, April 7, 2015

Ctrl+Alt+Del


Wala nman talaga kwenta ang blog na to. Sadyang wala lang akong magawang matino. Kanina pa ako nagpapatay ng oras, manunuod daw kasi kami ng The Fast and the Furious 7, makikiuso lang ng may ma istatus sa Facebook. Kanina pa ako nakaupo sa silyang to na may gulong(hindi po wheelchair), di ko lang alam anong tawag, basta upuan. Mula sa pakikinig sa mga akda ni Juan Miguel Severo, panunuod ng Ghost Adventures sa youtube, pagkain ng hopia na kasing mahal ng isang 8 oz na coke, naubusan na ako ng gagawin sa loob ng limang oras ko na pag-upo sa upuan na di gulong. Sa walang kadahilanan naisip ko nlang magtipa sa wikang tagalog sa kadahilanang nakakahawa talaga pag lagi mong kasama si Pal. Nakakabaliw, nakakaloka.

 Minsan sa buhay mo may makikilala kang tao na di mo alam kung biyaya ba o sadyang malas ka lang talaga. Kanina, habang nagpapalitan kami ng mensahe ng kaibigan kong si Katrina marami akong napagtanto. May mga taong mahirap magpatawad at may mga taong madaling makalimot. May mga taong magaling mangako, at may mga taong madaling maglaho. Sa buhay walang permanente, lahat nagbabago, lahat naglalaho. Lumilipas ang panahon, kumukupas ang ganda pero naiiwan ang mga alaala, malungkot man o masaya.

Isang malaking sketch pad ang buhay. Ikaw ang may hawak ng lapis na ipandodrowing mo. Ikaw ang mag-iisip kung anung iguguhit mo. Ikaw rin bubura nito pagpangit ang drawing mo kaya dapat sa simula pa lang subukan mo ng pagandahin ito. Maniwala ka sa sarili mo. Kung di mo gagalingan, walang gagawa niyan para sa'yo. Normal lang naman magkamali, walang taong perpekto pero maraming taong gago. Kung nadapa ka bumangon ka, nadapa ka ulit bangon ulit, pag nadapa ka pa ulit tanga ka na, pero patuloy sa pagbangon. Di titigil ang buhay sa mga munting kamalian at kapalpakan mo sa buhay. Di natatapos ang buhay sa iyong pagkabigo. Natatapos ito sa iyong pagsuko.

Alas onse y medya na. Gutom na ako. Manunuod na ako ng sine. Sabi sa inyo walang kwenta ang blog na to. Produkto lang to ng gutom at antok ko. :)